Arestado ang isang Provincial Most Wanted Person sa probinsya ng Capiz sa operasyon ng Roxas City Police Station sa Roxas Avenue, Barangay VIII, Roxas City noong ika-2 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Francisco D Paguia, hepe ng Roxas City PNP, ang naarestong suspek na isang 19 anyos na lalaki, residente ng Roxas City, Capiz at nakatala bilang Top 9 Most Wanted Person sa Provincial Level.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong pagnanakaw sa ilalim ng Article 299 na may piyansa na nagkakahalaga ng Php72,000.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Roxas City Police Station para sa tamang proseso ng dokumentasyon bago iturn-over sa hukuman kung saan nakabinbin ang kaso.
Ang Roxas City PNP ay patuloy na magsusumikap upang mahuli ang lahat ng personalidad na nagtatago sa batas para mabigyang hustisya ang lahat ng naging biktima ng krimen sa kanilang nasasakupan.
Source: Roxas City PS
Panulat ni Pat Charmaine Balunsat