Nagsagawa ang Rizal PNP ng Tree Planting Activity sa Barangay Batu Rizal, Cagayan nito lamang ika-2 ng Abril 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PSSg Romel D Talay, nakatalagang Pulis Sa Barangay katuwang ang mga miyembro ng KKDAT ng Barangay Batu.
May kabuuang 100 pirasong punla ng G-melina ang naitanim ng mga kalahok sa nasabing lugar.
Layunin nito ang magbigay ng kamalayan sa lipunan sa kahalagahan ng pagtatanim, pag-iingat sa mga puno at pagpapahayag ng pagmamalasakit sa kapaligiran upang mabawasan ang hindi magandang epekto ng pagbabago ng klima.
Layunin din nitong mailayo ang kabataan sa banta ng Terorismo at masamang impluwensya ng ilegal na droga.
Ang naturang aktibidad ay bilang pagsuporta sa I love Cagayan River (Seedlings of Love) at Clean and Green: CPPO program na inisiyatibo ng Cagayan Police Provincial Office bilang tagapagtaguyod sa pangangalaga at pagprotekta sa ating kalikasan. Ito din ay bahagi ng PNP core values na “MAKAKALIKASAN” na naglalayong pangalagaan ang ating kalikasan.
Source: Rizal PS