Arestado ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na nahaharap sa kasong arson, murder, at attempted murder sa isinagawang operasyon ng Butuan City Police Station 3 sa Purok 2, Barangay Libertad, Butuan City nito lamang Lunes, Abril 01, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Kirby John Kraft, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang nadakip na si alyas “Ramie”, 35, at residente ng Purok 8, Barangay Mapaca, Compostela, Davao de Oro na isa umanong miyembro ng Guerilla Front 20 Southern Mindanao Regional Committee at PCR listed.
Sa bisa ng Warrant of Arrest at sa pangunguna ng Butuan City Police Station 3 (Lead Unit) at ng intelligence packet ng RIU 13 katuwang ang CIU BCPO, BCMFC at iba pang yunit ay matagumpay na naaresto si Ramie dahil sa nasabing mga kaso na parehong walang mga piyansa.
“Habang patuloy nating nasasaksihan ang pag-urong ng mga miyembro ng CTG at nakikita ang kanilang pagbagsak, ang PNP Caraga ay nangangako sa mas pinaigting na kampanya kontra kriminalidad at terorismo,” ani PBGen Kraft.
Panulat ni Pat Karen A Mallillin