Thursday, January 16, 2025

Explosive Artisan Leader ng NPA, arestado

Arestado ang itinuturing na Explosive Artisan Leader ng New People’s Army at narekober ang mga kagamitan sa paggawa ng pampasabog sa Purok 6, Barangay Matanglad, Pio Duran, Albay nito lamang ika-30 Marso 2023.

Nadiskubre ang mga nasabing kagamitan sa patuloy na isinasagawang follow-up operation ng PNP Bicol at Philippine Army kaugnay sa nangyaring engkwentro sa Jovellar, Albay noong Marso 28, 2024.

Kinilala ang naarestong suspek na si Ramir na may mga alyas na “Arsenio”/ “Opesa”/“Disoy”/“Andro”/“Doming”, at itinuturing na Vice Commanding Officer ng Sentro de Grabidad, Sub Regional Committee 3, Komitang Probinsya na nakabase sa Albay.

Nasamsam sa naturang operasyon ang iba’t ibang materyales sa paggawa ng Improvised Explosive Device (IED), isang medical kit, sari-saring electrical wires, IED components, isang .38 caliber revolver na may kargang limang bala, dalawang uri ng IED firing device kabilang ang Power Galvanometer na gumagamit ng firing line at radio frequency o remote control.

Nasa kustodiya na ng Pio Duran Municipal Police Station ang suspek upang sampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9516 o “Codifying the Laws on Illegal/Unlawful Possession, Manufacture, Dealing in, Acquisition or Disposition of Firearms, Ammunition or Explosives or Instruments Used” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Pinuri ni Police Brigadier General Andre P Dizon, Regional Director ng PRO5 ang operating team sa matagumpay na operasyon upang wakasan ang insurhensiya at terorismo sa rehiyon tungo sa isang mapayapang Bicolandia.

Source: PNP Kasurog Bicol

Panulat ni Pat Rodel Grecia

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles