Nasabat ng mga otoridad ang higit na Php2.5 milyong halaga ng marijuana plant at seedlings sa Sitio Mapita Barangay Laoag, Aguilar, Pangasinan nito lamang Huwebes, Marso 28, 2024.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Aguilar PNP kasama ang PDEU, PIU, 1st PMFC Pangasinan, DOJ at Barangay Officials ng nasabing lugar.
Sa nasabing lugar ay sinira at sinunog ng mga operatiba ang 12,600 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng Php2,520,000 at 250 gramo ng marijuana seed na nagkakahalaga naman ng Php6,250.
Pinuri ni Police Colonel Jeff E Fanged, Provincial Director ng Pangasinan PPO ang mga operating units sa kanilang pagiging dedikado upang madiskubre ang ganitong kalakaran. Tinitiyak din niya na patuloy ang Pangasinan PPO sa pagtunton sa iba pang sangkot sa ilegal na droga upang masupil at matuldukan na ito, at maging drug-free ang naturang probinsya tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Pangasinan PPO
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn Consul