Isang lalaki ang boluntaryong nag-turn over ng isang rifle grenade sa Anilao Municipal Police Station sa Barangay Poblacion Anilao, Iloilo, nitong Linggo ng gabi, ika-31 ng Marso 2024.
Kinilala ng Police Captain Jesse J Lepaña, Officer-In-Charge ng Anilao MPS, ang nagturn-over ng Rifle Grenade na si alyas “Argie”, 23 taong gulang, walang asawa, at naninirahan sa nasabing lugar.
Sa ngayon, ang nasabing rifle grenade ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng istasyon para sa tamang disposisyon.
Ang nasabing pagturn-over ay bunga ng mas pinaigting na Birada Semana o ang kampanya kontra sa mga loose firearms ng Iloilo PNP.
Source: Iloilo Police Provincial Office
Panulat ni Pat Ryza Valencia