Arestado ng Adams Municipal Police Station ang Top 8 Most Wanted Person sa Regional Level sa kasong 3 Counts of Statutory Rape sa Poblacion I, Adams, Ilocos Norte nito lamang ika-23 ng Marso 2024.
Kinilala ni Police Captain Aimee L Laggui, Officer-In-Charge ng Municipal Police Station, ang akusado na si alyas “Pedro”, 21 taong gulang, residente ng Poblacion 3, Adams, Ilocos Norte.
Ayon kay Police Captain Laggui, bandang 9:30 ng umaga ng maaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 Counts of Statutory Rape na walang piyansa.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Adams MPS kasama ang Provincial Intelligence Unit, PIDMU INPPO, PIT Ilocos Norte and 1st Provincial Mobile Force Company.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng patuloy na pagsisikap ng pulisya na mahuli at mapanagot ang mga taong may pagkakasala sa batas at mabigyan ng hustisya ang kanilang mga naging biktima.
Source: Adams Municipal Police Station
Panulat n Pat Viljon Anthony Comilang