Tinatayang Php108,800 halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong drug pusher sa ikinasang buy-bust operation ng Leyte PNP at PDEA sa Barangay Parina, Carigara, Leyte nitong Marso 20, 2024.
Kinilala ni Police Major Edgar A Remandaban, Acting Chief of Police ng Carigara Municipal Police Station, ang mga nadakip na suspek na sina alyas “Tony”, 26 anyos; alyas “Boy”, 47 anyos; parehong residente ng Carigara, Leyte at alyas “Nonoy”, 46 anyos at residente naman ng Tacloban City.
Bandang 4:30 ng hapon nang maaresto ang mga suspek sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Carigara MPS kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency 8.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 16 gramo na nagkakahalaga ng Php108,800 at Php500 bill na buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Christine Reyna Tolledo