Kaugnay sa pagdiriwang ng National Women’s Month, naglunsad ang Iligan City Police Office ng Caravan Fair and Bazaar 2024 upang magbigay ng ngiti at pag-asa sa mga kababaihan at batang dumalo na ginanap sa Camp Tomas L Caili, Tipanoy, Iligan City nito lamang Marso 19, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Iligan CPO kasama si Hon. Rosevi “Queenie” C. Belmonte, City Councilor ng Iligan City bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.
Nasa 50 na pamilya at mga bata ang masayang nakatanggap ng mga libreng serbisyo na hatid ng ICPO Caravan Fair and Bazaar 2024 gaya ng medical at eye check-up, mga gamot, Legal Service Assistance, manicure at pedicure para mga dumalong kababaihan, masahe, bakuna, anti-rabies vaccine, gupit, tuli, hygiene kits, food packs, at mga laruan para sa mga bata.
Ang aktibidad ay may temang “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas; Kakayahan ng Kababaihan Patutunayan” na may layuning makapagbigay ng maayos at maaasahang serbisyo anumang kasarian, edad at katayuan sa buhay para sa pantay-pantay na pagbibigay halaga sa mga mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Fajardo