Bilang bahagi ng capability enhancement program ng Pambansang Pulisya ay itinurn-over ng Police Regional Office 10 (PRO10) ang 10 units ng Patrol Jeep 4×2 Toyota Hilux Single Cab na nagkakahalaga ng Php12,298,080 sa Misamis Oriental PNP na ginanap sa Camp 1Lt Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang Marso 18, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Ricardo G Layug Jr., Regional Director ng Police Regional Office 10 at ni Police Major General Mario A Reyes, Director ng Logistics Support Service bilang panauhing pandangal kasama ang mga local chief executives ng kani-kanilang munisipyo.

Ang Blessing at Turnover ng 10 bagong inisyu na unit na 4×2 Toyota Hilux ay inilaan sa mga piling istasyon ng pulisya sa ilalim ng Misamis Oriental Police Provincial Office. Ito ang Laguindingan Municipal Police Station, Libertad MPS, Magsaysay MPS, Manticao MPS, Medina MPS, Naawan MPS, Opol MPS, Tagoloan MPS, Talisayan MPS, at Villanueva MPS.
Ang naturang bagong patrol vehicles ay naglalayong palakasin ang kakayahan sa agarang pagresponde ng mga nasabing istasyon upang mapahusay at mapaigting ang kanilang kampanya kontra kriminalidad at maiwasan ang mga krimen sa kanilang nasasakupan para sa isang mapayapa at ligtas na pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Villanueva