Nasa 300 indibidwal ang naging benepisyaryo ng isinagawang community outreach program ng mga tauhan ng Misamis Oriental Police Provincial Office na ginanap sa Barangay Malanang, Opol, Misamis Oriental, umaga ng ika-15 ng Marso 2024.
Pinangunahan ang naturang programa ni Police Colonel Cholijun P Caduyac, Provincial Director ng Misamis Oriental PPO, kaagapay ang Advocacy Support Groups, force multipliers, Local Government Unit at ibang sangay ng pamahalaan.

Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng school supplies, tsinelas, pack meals, at mga gamot sa mga nasabing benepisyaryo, ganundin ang pagsasagawa ng libreng gupit at pamamahagi ng Information Education Communication (IEC) tungkol sa Anti-Terrorism at hotline keychain.
Ang aktibidad ay nakaangkla sa programa ni Police Brigadier General Ricardo G Layug Jr, Regional Director ng Police Regional Office 10 na “Serbisyong Cardo, Serbisyong may Puso” na naglalayong maipadama ang pagmamahal at malasakit sa mamamayan sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ganitong uri ng aktibidad.
Panulat ni Edwin Baris