Friday, April 25, 2025

Surigao del Norte idineklara nang Insurgency-free

Pormal na idineklara ang Surigao del Norte bilang isang insurgency-free sa pamamagitan ng isang Ceremonial declaration na dinaluhan ng iba’t ibang pangunahing opisyal ng lokal na pamahalaan ng Surigao del Norte na ginanap sa Provincial Gymnasium, Surigao City nito lamang Marso 15, 2024.

Ayon kay Provincial Director Police Colonel Laudemer M Laude, ang pagpapakita ng pambihirang pagkakaisa, pinalakas na presensya, pagsasagawa ng mga proactive measures, at pagpapatupad ng mas pinaigting na seguridad ay ilan sa mga ginawang hakbang ng mga kapulisan at mamamayan ng Surigao del Norte para makamit ang deklarasyon bilang isang Insurgency-free na lalawigan.

Dagdag pa ni PCol Laude, naging malaking tulong din ang pagpapatupad ng isang komprehensibong planong panseguridad, na kinasasangkutan ng deployment ng mahigit 195 na tauhan ng pulisya.

Ang deklarasyon ng Surigao del Norte bilang isang insurgency-free province ay simbolo ng isang makabuluhang milestone sa kasaysayan nito, na nagbibigay-diin sa pagtutulungan ng mga opisyal ng gobyerno, mga pinuno ng komunidad, at mga stakeholder.

“Ang Pulisya ng Surigao del Norte ay nananatiling matatag sa kanyang layunin na maglingkod at magbigay proteksyon upang tiyakin na ang mga mithiin ng ating mga kababayan ay maisakatuparan sa isang pamayanan na walang takot at sigalot. Sama-sama nating buuin ang pundasyong ito ng kapayapaan at tayo’y magkaisa upang makamit natin kaunlaran at kaunlaran para sa lahat,” saad ni PCol Laude.

Patunay lamang na ang PNP CARAGA ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang mga estratehiya at programang may kinalaman sa seguridad alinsunod sa direktiba ng ating pangulo sa ilalim ng EO 70.

Panulat ni Karen A Mallillin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,510SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles