Arestado ang lalaking wanted person sa kasong murder at frustrated murder ng Tamparan PNP sa Barangay Raya Miondas, Tamparan, Lanao del Sur noong ika-14 ng Marso 2024.
Kinilala ni Police Captain Sailani B Armama, Chief of Police ng Tamparan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ryan”, 29, na residente ng naturang lugar.
Naging matagumpay ang pagkakaaresto sa suspek sa ikinasang operasyon ng joint task force ng mga tracker team ng Tamparan MPS katuwang ang Buadipuso Buntong MPS, 1st Provincial Mobile Force Company Lanao del Sur PPO sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder at frustrated murder na walang piyansa para sa kasong Murder at Php200,000 na piyansa para naman sa kasong Frustrated Murder.
Ang naarestong suspek ay pinaniniwalaang gunman na pumatay sa mga katutubong indibidwal mula sa Lungsod ng Davao, noong Agosto 29, 2023, sa bayan ng Buadipuso Buntong, Lanao del Sur na nagresulta sa paglabas ng mga kaukulang warrant.
Ang suspek ay pansamantalang nakapiit sa Tamparan at ililipat sa Buadipuso-buntong MPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon at mahaharap kasong murder at frustrated murder.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na hulihin ang mga nagkasala sa batas na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Nagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya