Arestado ng Tacloban City PNP ang isang Most Wanted Person na may patong-patong na kasong Rape sa Barangay 25, Paterno Extension, Tacloban City nito lamang ika-13 ng Marso 2024.
Kinilala ni Police Captain Alvin L Capatoy, Officer-In-Charge ng Tacloban City Police Station 1, ang suspek na si alyas “Paeng”, 36 anyos, construction worker at residente ng Barangay 62, Sagkahan, Tacloban City.
Naaresto ang suspek bandang 1:43 ng hapon ng mga tauhan ng Tacloban City Police Station 1 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 2 Counts of Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa at 7 Counts of Rape by Sexual Assault na may inirekomendang piyansa na Php180,000 para sa bawat kaso.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagsugpo sa mga taong may pananagutan sa batas at sa lahat ng mga nagkasala sa batas upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian