Tinatayang nasa Php1,840,000 halaga ng marijuana ang sinunog ng mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication sa Manggaan, Kayapa, Bakun, Benguet nito lamang ika-12 ng Marso 2024.

Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan sa pangunguna ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company kasama ang mga tauhan ng Bakun Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, Benguet Police Provincial Office, Regional Intelligence Division Police Regional Office Cordillera at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakadiskubre ng tatlong plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 1,700 square meters na may tanim na humigit kumulang 9,200 fully grown marijuana plants at tinatayang may Standard Drug Price na Php1,840,000.

Agad namang binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nasabing marijuana sa mismong lugar at kumuha ng sapat na sample upang isumite sa Provincial Forensic Unit Cordillera para sa qualitative test.

Patuloy ang Pambansang Pulisya sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga upang makamit ang inaasam na maging drug-free ang ating bansa para sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Jomalyn F Cacanindin