Nagsagawa ng isang makabuluhang Community Outreach Program ang kapulisan ng San Juan City Police Station bilang bahagi ng National Women’s Month Celebration sa 4th floor, Barangay Hall ng West Crame, San Juan City nito lamang Martes, ika-12 ng Marso 2024.
Naisakatuparan ang aktibidad sa pangunguna ng mga tauhan mula sa Station Community Affairs and Development Section sa pamumuno ni Police Colonel Francis Allan M Reglos, Chief of Police ng istasyon katuwang ang mga Force Multipliers at Barangay Officials ng lugar.

Tampok sa nasabing programa ang talakayan tungkol sa ilegal na droga at Bawal Bastos Law na aktibong nilahukan ng mga Solo Parents, mga ina, at Senior Citizens, kasabay ng pamimigay ng mga food packs sa mga dumalo.

Nagkaroon din ng libreng serbisyo tulad ng Security Social System (SSS) na nagbibigay ng Satellite Application ng ID at verification, at San Juan City-Urban Poor Affairs Office (UPAO).
Layunin nitong turuan ang mga kalahok, bigyan ng sapat na kaalaman ang mga kababaihan bilang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan tungo sa isang maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: San Juan CPS
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos