Pormal nang sinimulan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang “Paligsahang Pampalakasan 2024” na ginanap sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City nito lamang Martes, Marso 12, 2024.

Ang nasabing paligsahan ay pinangunahan ni Regional Director, Police Major General Jose Melencio C Nartatez Jr at si Police Brigadier General Sidney Navarro Villaflor, Acting Director ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development bilang Guest of Honor and Speaker kasama ang mga opisyales at kapulisan mula sa Regional Headquarters ng NCRPO.
Ipinakita sa kaganapan ang pisikal na husay ng mga tauhan ng NCRPO gayundin ang kanilang dedikasyon sa pagtutulungan at patas na laro.

Tampok sa pagsisimula ng palaro ay ang mga Larong Pinoy tulad ng “Hilahang Lubid, Sabayang Lakad, Karerang Sako, Kadang-Kadang, at Agawan ng Buko.” Ang bawat laro ay nangangailangan ng hindi lamang liksi at kasanayan kundi pati na rin ng isang malakas na pakiramdam ng pakikipagtulungan at paggalang sa mga kalaban.

May iba’t ibang laro din ang gaganapin sa susunod na mga araw gaya ng basketball, volleyball, badminton, chess competition, cheer dance competition, 5km team relay, shooting competition/ steel challenge at lawn tennis.
Isa lamang ito sa mga paraan upang maipakita ang sportsmanship at camaraderie ng bawat tauhan ng National Capital Region Police Office upang maipamalas ang kanilang mga talento at kahusayan sa larangan ng sports.
Source: RPIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos