Nagsagawa ng Feeding Program ang mga kapulisan ng Laguna katuwang ang mga Advocacy Support Group sa Sitio De Uno Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna nito lamang ika-10 ng Marso 2024.
Naisakatuparan ang aktibidad sa pagkakaisa ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A, sa pamumuno ni PCol Meldrid E Patam, Chief, RPCADU4A, kasama ang Biñan Components City Police Station sa pakikipagtulungan ng PNP Advocacy Support Group of MCOPS (Motorcycle Community Organization For Peace and Security), ERT (Eagles Response Team), Kabayan Action Group, Team Goldenheart Riders Club, LVMR (Luzon Visayas Riders Club), at Biñan Police Woman Organization.

Maliban sa Feeding Program ay namahagi ang grupo ng mga tsinelas sa 150 na mga kabataan at mahigit 50 naman sa senior citizens na residente ng Sitio De Uno Barangay Canlubang, Lungsod ng Calamba, Laguna.

Ang nasabing aktibidad ay isang magandang hakbang tungo sa Magandang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa mga residente, lalo na ng mga bata at senior citizens.

Ang pakikipagtulungan ng PNP at mga Advocacy Support Groups ay nagpapakita ng pagkakaisa at dedikasyon sa pagtulong sa komunidad at hindi lamang nagbibigay ng pisikal na kaginhawahan kundi pati na rin ng simbolo ng pag-aalaga at pagmamalasakit sa kapwa.
Ito ay alinsunod sa 8-Point Socio-economic Agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang serbisyong pangkalusugan patungo sa landas ng isang Bagong Pilipinas.
Source: RPCADU4A
Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P Bernales