Nagsagawa ng feeding program ang mga tauhan ng Aurora 1st Provincial Mobile Force Company na pinamunuan ni Police Major Jeffrey S Onde, Force Commander, sa mga mag-aaral ng Sebang Core House Day Care Center sa Sitio Setan Barangay Calabuana, Baler Aurora nito lamang Martes, ika-12 ng Marso 2024.

Namahagi ang grupo ng pagkain sa mga mag-aaral upang maiwasan ang malnutrisyon at magkaroon ng malusog na pangangatawan ang mga ito lalong-lalo na ang mga kabataan sa nasabing barangay.

Layunin ng nasabing programa na makatulong sa aspetong pangkalusugan na isa sa programa ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mapalapit ang loob ng mga kabataan at mapanatili ang tiwala at suporta ng mga ito sa kapulisan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni: Pat Pearl Crystalynne Javier