Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Laygayon, Pinabacdao, Samar nito lamang Marso 10, 2024.
Kinilala ni Police Captain Larry A Sarsosa, Officer-In-Charge ng Pinabacdao Municipal Police Station, ang nagbalik-loob na si alyas “Jerry/Edwin”, 44 anyos at residente ng Barangay Laygayon, Pinabacdao, Samar.
Ang pagbabalik-loob nito ay resulta ng matagumpay na negosasyon ng pinagsamang mga tauhan ng Pinabacdao Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit 8, 123 Special Action Company, 12 Special Action Battalion, PNP-Special Action Force, Force Intelligence Investigation Division at Internal Security Operation Division ng Intelligence Group.
Ang nasabing rebelde ay nasa kustodiya na ng Pinabacdao MPS habang prinoproseso ang tulong mula sa pamahalaan na nakapaloob sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Patuloy naman ang panawagan ng Pambansang Pulisya sa iba pang mga miyembro ng mga teroristang grupo na iwaksi na ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa ating pamahalaan para magbagong buhay kasama ang kanilang pamilya, mamuhay ng payapa at patuloy na sumuporta sa ating gobyerno.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian