Inilunsad ng 1st Provincial Mobile Force Company, Bataan PNP ang Talipapa Project para sa mga katutubong Aeta sa The Bunker, Balanga City, Bataan nito lamang Biyernes, ika-1 ng Marso 2024.
Ang naturang proyekto ay may temang “Talipapa para sa mga kapatid na Aeta, Tulong Kabuhayan sa Panahon ng Pandemya.”
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Brownson B Ollaging, Force Commander, 1st PMFC, Bataan PPO katuwang ang Local Government Unit at Non-Government Organization.

Ang nasabing talipapa ay itinayo ng Bataan PNP upang matulungan ang mga katutubo na maibenta ang kanilang mga produkto at makatulong sa kanilang araw-araw na pangangailangan.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa paghahatid ng tulong at tapat na serbisyo sa ating mga kababayan lalo na sa mga nasa liblib na lugar para sa sama-samang pag-unlad ng mga mamamayan sa bawat pamayanan.
Panulat ni Pat Pearl Crystalynne Javier