Arestado ng Bangar PNP ang isang lalaking Wanted sa kasong Robbery sa Barangay Gen Prim West, Bangar, La Union nito lamang ika-28 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Major Ronald Allan A Rupisan, Chief of Police ng Bangar Police Station, ang suspek na si alyas “Buton”, 32, walang trabaho at tubong Bangar, La Union.
Ayon kay Police Major Rupisan, bandang 9:35 ng umaga nang maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery na mayroong piyansa na Php36,000.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn Consul