Nakumpiska ng Iloilo City Police Station 1 ang Php557, 600 halaga ng shabu sa dalawang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation nito lamang ika-28 ng Pebrero 2024.
Ikinasa ang nasabing operasyon bandang 10:20 ng gabi sa Barangay Veterans Village, City Proper, Iloilo City kasama ang Iloilo City Police Office-City Drug Enforcement Unit, SWAT at RHPU6.
Kinilala ni Police Captain Roque Gemino III, hepe ng Iloilo City Police Station 1, ang mga naaresto na sina alyas “Joey” 36, naitala bilang isang High Value Individual, residente ng nasabing barangay at si alyas “Rona” na naitala nman bilang Street Level Individual, residente ng Leganes, Iloilo.
Nakuha sa mga naaresto ang tinatayang 80 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may standard drug price na Php557,600, ginamit na buy-bust money at ilan pang mga non-drug items.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay kaisa sa programa at direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagpapatibay ng isang Whole-of-thr-Nation Approach sa pagtugon sa ilegal na droga, kriminalidad, at pagtiyak ng kapayapaan at seguridad sa bansa tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: PRO6 RPIO
Panulat ni Pat Glydel V Astrologo