Thursday, April 24, 2025

Baril, iba’t ibang klase ng mga bala at Php102K halaga ng shabu, nasamsam

Tinatayang Php102,000 halaga ng shabu at isang baril ang nasamsam sa isinagawang Search Warrant Operation ng mga awtoridad sa Purok Mabination, Barangay Ubaldo Laya, Iligan City nitong ika-23 ng Pebrero 2024.

Kinilala ni Police Colonel Reinante B Delos Santos, City Director ng Iligan City Police Office, ang suspek na isang 29 anyos na lalaki at nakatira sa nasabing lugar.

Base sa ulat, bandang 2:30 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Iligan City Mobile Force Company kasama ang Regional Intelligence Unit 10 at Iligan City Police Station 4 sa bisa ng search warrant dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng isang M16 A1 Assault Rifle, 144 piraso na bala ng Cal 5.56, 78 piraso na bala ng Cal .45, dalawang piraso na bala ng 9mm, tatlong piraso na bala ng Cal .22mm, at tatlong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 15 na gramo at may Standard Drug Price na Php102,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Layunin ng iligan City PNP na makalap at mahanap lahat ng loose firearms para maiwasan na magamit ito sa krimen, ganundin ang mas lalong paigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga na isa sa pangunahing prayoridad ng administrasyon upang labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga ilegal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang mga operasyon.

Panulat ni Pat Fajardo

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,510SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles