Inilunsad ng Occidental Mindoro Police Provincial Office ang programang “Bagong Pilipinas sa Barangay” sa Sitio Artemia, Barangay Bubog, San Jose, Occidental Mindoro, nito lamang Linggo, Pebrero 25, 2024.
Naisakatuparan ito sa pagtutulungan ng mga kapulisan ng Occidental Mindoro PPO sa pamumuno ni Police Colonel Jun Dexter D Danao ng Provincial Director, katuwang ang San Jose MPS, 1st Occidental Mindoro PMFC, 102nd SAC, 10th SAB, PNP Special Action Force at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) San Jose Chapter.

Umabot sa 50 pamilya ang nabigyang serbisyo at impormasyon hinggil sa tamang paghuhugas ng kamay, Anti-Bastos Law, Anti-Rape Law, Violence Against Women and their Children (VAWC), at Anti-Terrorism Law.

Ang mga naging benepisyaryo ay nakatanggap naman ng school bags, food packs, at nagkaroon ng feeding activity.

Ang aktibidad ay naglalayong mahatiran ng tulong, saya at pag-asa ang mga kababayan nating higit na nangangailangan. Sa pamamagitan ng IMPLAN DANAO (Damayan Alay sa Nagkakaisang Adhikain ng Organisasyon) ng Occidental Mindoro PNP bilang suporta sa Revitalized Community Support Program (RCSP).

Sa pagtutulungan at pagbibigay malasakit sa isa’t isa hindi malabong makamit ng mamamayan, kapulisan, at pamahalaan ang magandang kinabukasan para sa isang bagong Pilipinas.
Source: Occidental Mindoro Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña