Arestado ang isang Street Level Individual sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay 99, Diit, Tacloban City, nitong ika-24 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Major Jose B Gallanes Jr, Station Commander ng Police Station 2 ng Tacloban City Police Office, ang suspek na si alyas “Caloy”, 34, at residente ng Barangay 107, Sta. Elena, Tacloban City.
Bandang 8:45 ng gabi ng ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng Tacloban City Provincial Office – Station Drug Enforcement Unit Police Station 2 sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 8.
Nakumpiska mula sa suspek ang 2 pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na humigit kumulang 5 gramo na nagkakahalaga ng Php34,000, at isang genuine 500-peso bill, kasama ang dalawang pirasong 1000-peso bill bogus money na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Camberleigh Flores