Inilunsad ng Cagayano Cops ang programang “Bagong Pilipinas sa Barangay” na may bersyong Bagong Pilipino sa pag-iisip, pag-uugali at pagpapahalaga bilang kaisa sa programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Bagong Pilipinas na isinagawa sa Barangay Inga, Enrile, Cagayan noong Pebrero 24, 2024.

Pinangunahan ni Police Colonel Julio S Gorospe Jr, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, ang paglulunsad ng naturang programa, nagpaabot ng kanyang mensahe tungkol sa pagpapanatili ng inaasam na kapayapaan at seguridad ng bansa.

Sa naturang aktibidad ay naisagawa rin dito ang Community Mobilization at Community Outreach program, zumba, feeding activity, at pagbibigay ng tsinelas para sa mga kabataan. Nagkaroon din ng symposium ang Enrile Police Station ukol sa Illegal Drugs at Anti-Terrorism.

Layunin ng programa na magbigay inspirasyon at gabay sa mga mamamayan upang maging bahagi ng positibong pagbabago sa kanilang sarili at sa kanilang komunidad upang makamit ang bagong Pilipinas.
Source: Cagayan Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Desiree Canceran