Naaresto ng pulisya ang isang babaeng wanted sa Trafficking, bandang 12:15 ng tanghali sa Barangay Poblacion, Dasol, Pangasinan nito lamang Pebrero 24, 2024.
Kinilala ni Police Captain Simeon P dela Cruz, hepe ng Dasol PNP, ang suspek na si alyas Eberlyn, isang sales lady at residente ng Barangay Poblacion, Dasol, Pangasinan.
Ayon pa kay PCpt Dela Cruz, naaresto ang suspek matapos ihain sa kanya ng Dasol PNP ang kanyang Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Person Act of 2003 na may piyansa na Php150,000.
Ang pagkakahuli sa suspek ay isang patunay na ang Pambansang Pulisya sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad at isulong ang isang bansang maunlad tungo sa bagong Pilipinas.
Source: Dasol Police Station
Panulat ni Patrolwoman Aileen Arvie E Eustaquio