Nagbigay saya at pag-asa sa mga katutubong Mangyan ang isinagawang Project ABOT-KAMAY Community Outreach Program na inihandog ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 4B na ginanap sa Sitio Sungi, Barangay Tagumpay, Baco, Oriental Mindoro nito lamang ika-23 ng Pebrero 2024.

Naisakatuparan ang proyektong ito sa pagkakaisa, dedikasyon, at inisyatibo ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 4B, sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Elmo P Guevarra, Officer-In-Charge, katuwang ang iba’t ibang yunit ng kapulisan, at ang Rotary Club of Downtown Calapan.
Ang project “ABOT-KAMAY” ay isa lamang sa mga programa ng kapulisan na naglalayong makapag-abot ng tulong sa ating mga kapatid na katutubong Mangyan.

Gayundin, ang magbigay inspirasyon sa bawat isa na hindi handlang ang kahirapan para hindi tayo maging masaya sa araw-araw na pamumuhay.

Ang naturang proyekto ay nagbenepisyo sa halos isang daang (100) na katutubong Mangyan na nakatanggap ng mga foodpacks, tsinelas, mga bago at pre-loved clothes, libreng hygiene kit, feeding program, at isang deep well pump para sa patubig ng katutubong komunidad.
Ang gawaing ito ay sumasalamin sa magandang ugnayan at pagkakaisa ng mamamayan, kapulisan, at ng ating pamahalaan upang walang mapag-iwanan patungo sa bagong Pilipinas.
Source: PCADG Mimaropa
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña