Nasabat ang tinatayang Php6,800,000 halaga ng shabu mula sa dalawang High Value Target sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Barangay Pindolonan, Bubong, Lanao Del Sur, noong ika-21 ng Pebrero 2024.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ustad”, 29 anyos, residente ng Barangay Masiu, Lanao del Sur, at alyas “Jal”, 19 anyos, na residente naman ng Barangay Bato-Bato, Maguing, Lanao del Sur.
Naging matagumpay ang pagkaka-aresto sa mga suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad ng 43rd Special Action Company, 4th Special Action Battalion, PNP Special Action Force, Bubong Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency BARMM.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang pinaghihinalaang shabu na may timbang na 1000 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php6,800,00, buy bust money at iba pang non-drug evidences.
Ang mga suspek at mga ebidensyang nakumpiska ay nasa kustodiya ng PDEA BARMM para sa dokumentasyon at tamang disposisyon kung saan mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas, mapanatili lamang ligtas ang komunidad at mapanatili ang kapayapaan ng bansa.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya