Nagkaisa ang puwersa ng kapulisan at iba’t ibang Advocacy Groups sa pagsasagawa ng community outreach program bilang bahagi sa pagdiriwang ng 38th People’s Power Anniversary na ginanap sa Sitio Tayum-Tayuman, Barangay Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro nito lamang Pebrero 20, 2024.

Naisagawa ang proyektong ito sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Occidental Mindoro PNP at 1st Maneuver Platoon ng 2nd Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga miyembro ng KKDAT, opisyales ng barangay at Barangay Peacekeeping Action Team.
Ang serbisyong handog sa 100 benepisyaryo ng naturang programa ay ang pamimigay ng foodpacks, libreng gupit, programang pangkabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng seedlings, plastic pots, at abono. Bukod dito ay nagsagawa rin ng pagtatanim ng mga puno at clean-up drive activity sa nasabing lugar.

Ang nasabing programa ay alinsunod sa 5-Focused Agenda ng ating CPNP na Community Engagement, na naglalayong mas mapalapit ang loob ng mamamayan sa ating pamahalaan at maibalik ang kanilang tiwala sa mga nanunungkulan.
Hinihikayat ang lahat na makipagtulungan sa mga programang handog ng pamahalaan at kapulisan para sa ikauunlad ng ating bayan.
Source: Second Occ. Mindoro Provincial Mobile Force Company
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña