Nakumpiska ang tinatayang Php1,054,000 halaga ng shabu sa isang suspek na naaresto sa buy-bust operation ng Lila PNP sa Barangay Malinao East, Lila, Bohol, nito lamang Lunes, Pebrero 19, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jhon Rey B Olid, hepe ng Lila Police Station, ang suspek na si alyas “Gerard”, 38, residente ng 062 Alfarera Street, San Isidro, Tagbilaran City, Bohol
Ayon kay PLtCol Olid, naaresto ang suspek bandang alas 9:50 ng gabi sa pinagsanib pwersa ng mga operatiba ng Lila Drug Enforcement Team at PDEA-Bohol Satellite Office.
Narekober sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 155 gramo at may Standard Drug Price na Php1,054,000, buy-bust money, cellphone, black plastic wrapper at sling bag na ginamit na lagayan ng droga at motorsiklo.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11, Artikulo II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang mahusay at matagumpay na operasyon ay naglalarawan sa pagkakaisa ng PNP at ahensya ng pamahalaan sa pagsugpo ng ilegal na droga para sa kapakanan ng mamamayan at kaligtasan ng komunidad.
Source: Spot Report from Lila PS
Panulat ni Pat Nikkia B Cañedo