Nabigyan ng katuparan ang pangarap ng pamilya ni Mr. Marcelo P Permijo na magkaroon ng maayos at matibay na bahay sa pamamagitan ng Project Pabahay ng 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa San Dionisio II, Nagtipunan, Quirino nito lamang ika-17 ng Pebrero 2024.
Personal na iginawad ng mga tauhan ng 2nd Quirino PMFC sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Michael M Alberto, Force Commander, kasama ang mga tauhan mula Quirino Police Provincial Office sa pangunguna naman ni Police Lieutenant Colonel Michael A Aydoc, Deputy Provincial Director for Operation, Company Advisory Group (CAG), LGU Nagtipunan at mga Barangay Officials.

Labis naman ang pasasalamat ni Ginoong Marcelo P Permijo dahil ang kanyang pamilya ang napili na maging benepisyaryo ng naturang proyekto.
Ang project pabahay ng 2nd Quirino PMFC ay isa sa mga Best Practice ng kapulisan sa Rehiyon na naglalayong tulungan ang mga naghihirap na mamamayan.
Ang aktibidad ay bilang pagsuporta sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na Whole-of-the-Nation Approach na naglalayong tulungan ang mamamayan sa pamamagitan ng mga programa ng gobyerno para makamit ang maayos, ligtas at payapang pamumuhay tungo sa bagong Pilipinas,
                                                                                                                                Â
Source: Second QPMFC, QPPO
Panulat ni Pat Wendy G Rumbaoa