Arestado ng mga otoridad ang Top 1 Most Wanted Person na may kasong Rape sa Barangay Poblacion 1C, Imus City, Cavite nito lamang ika -15 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jack E Angog, Chief of Police ng Imus Component City Police Station, ang suspek na si alyas “Ken”, residente ng Barangay Alapan 1C, Imus City, Cavite.
Pakatapos ng pinag-igting na pagmamatyang sa suspek ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Imus CCPS at 401st A Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong rape na walang piyansa.
Walang humpay ang pagpapatupad ng kapulisan sa kampanya laban sa kriminalidad para wakasan ang lahat ng ilegal na aktibidad at panagutin ang mga kriminal para sa ligtas at maunlad na bansa tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Cavite Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P Bernales