Cagayan de Oro City (January 29, 2022) – Nagsagawa ang Police Regional Office 10 (PRO 10) ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa buong rehiyon upang masawata ang mga wanted person, labanan at mahinto ang pagkalat ng ilegal na droga nito lamang Enero 29, 2022.       Â
Dalawa ang naaresto sa Misamis Oriental at Lanao del Norte sa paglabag sa Republic Act No. 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Nakuha sa mga suspek ang 30.1 gramo ng shabu, na may tinatayang Standard Drug Price na Php204,680.
Nasa 134 na wanted person naman ang nahuli kabilang ang pagkakaaresto sa 42 most wanted na mga indibidwal at 89 na iba pa.
Hinangaan naman ni Police Brigadier General Benjamin Acorda ang pagsusumikap ng mga operating units sa patuloy na pakikipaglaban sa ilegal na droga at sa matagumpay na SACLEO.
“PRO 10 will continue to enforce the law, especially now that we were able to tighten up the rapport that we have with the community, another vital reason to be more relentless in combating criminality. For the people of Region 10, we will never let our guards down”, ani PBGen Acorda.
####
Panunulat ni : Patrolman Edwin Baris RPCADU 10