Ipinagdiwang ng Police Regional Office 1 ang ika-33rd PNP Founding Anniversary sa Camp BGen Oscar M Florendo na may temang “Serbisyong Nagkakaisa at may Malasakit sa Kapwa, Tungo sa Maunlad at Ligtas na Bansa” nito lamang ika-16 ng Pebrero 2024.

Pinangunahan ni Police Brigadier General Lou F Evangelista, Regional Director ng Police Regional Office 1, ang naturang pagdiriwang na dinaluhan ni Director George Aplas D Daskeo, Regional Director ng NAPOLCOM Regional Office 1, mga tauhan mula sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at mga kamag-anak ng yumaong si Brigadier General Oscar M Florendo.
Nagsilbi naman bilang Guest of Honor and Speaker si Secretary Roman A Felix, Presidential Adviser on Military and Police Affairs.

Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Sec. Felix ang katapatan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay hindi dapat matitinag at nagtapos ang kanyang talumpati sa pagbanggit ng isang sikat na kasabihan mula kay Ziad Abdelnour, “Trust is earned, respect is given, and loyalty is demonstrated.”
Samantala, nangangako naman ang kapulisan ng Police Regional Office 1 na patuloy silang maglilingkod para sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayang Pilipino tungo sa maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolman Viljon Anthony Comilang