Ipinagdiwang ng Police Regional Office MIMAROPA ang Araw ng mga Puso na ginanap sa PRO MIMAROPA Parade Ground, Camp BGen Efigenio C Navarro, Calapan City, Oriental Mindoro, nito lamang Miyerkules, Pebrero 14, 2024.

Ang naturang programa ay pinangunahan ni Police Brigadier General Roger L Quesada, Regional Director ng PRO MIMAROPA kasama ang kanyang maybahay na si Dr. Marlita E. Quesada, Adviser, PNP OLC-MIMAROPA Chapter at ang mga miyembro ng PRO MIMAROPA Command Group.
Naisakatuparan ang naturang okasyon sa pamimigay ng bulaklak at tsokolate sa mga miyembro ng PRO MIMAROPA.

Ang taunang tradisyon na ito ay naglalayong mas mapagtibay pa ang pagkakaisa at pagtutulungan sa pamamagitan ng mabuting gawa at pagkakaunawaan ng bawat isa.
Binigyang-diin dito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pagkakaisa para maitaguyod nang mapayapa at may seguridad ang komunidad na ating ginagalawan.

Isa lamang ito sa mga programa ng kapulisan, alinsunod sa adhikain ng pamahalaan na mas mapataas ang moral ng bawat isa upang maging isang inspirasyon sa karamihan na magbigay ng tunay at totoong pagmamahal at dedikasyon sa serbisyo at mamamayan para makamit ang minimithing Bagong Pilipinas.
Source: Police Regional Office MIMAROPA
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña