Sa pagdiriwang ng araw ng mga puso, kasabay ng matamis na saliw ng mga awiting pag-ibig, hinandugan ng mga sariwang bulaklak na rosas ang mga kapulisan na nakatalaga sa Police Regional Office 7 Headquarters, Camp Sergio Osmeña Sr., Cebu City, noong Pebrero 14, 2024.

Ang aktibidad ay inisiyatibo ng mga miyembro ng Regional Community Affairs and Development Division 7 sa pamumuno ni PCol Emelie D Santos sa pangangasiwa ni Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director ng PRO 7, na malugod na nilahukan at sinuportahan ng mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 7.
Bago pa ang nasabing aktibidad, isang misa naman ang idinaos sa St. Ignatius de Loyola Chapel na pinangunahan ni PCol Joselito Borja, Chief, Regional Chaplain Service bilang paggunita ng Miyerkules de Senisa (Ash Wednesday), isang tradisyon na sumisimbolo ng pagsisi, pagnilaynilay at pagbabago, at tanda ng pagsisimula ng kuwaresma

Sa huli, ang pagdiriwang ng araw ng mga puso ay nagpapakita sa malaya at walang humpay na pagpapahayag ng ating pagmamahal sa mga iniibig, kaibigan, pamilya, at katrabaho para sa mas positibo at maunlad na pamumuhay.
Panulat ni Pat Nikkia Cañedo
Source: PRO 7