Surigao City (January 29, 2022) – Arestado ng Surigao City Police Station (CPS) ang isa pang lumabag sa Nationwide Election Gun Ban na ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) noong Enero 29, 2022.
Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 13 Regional Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. ang naaresto na si Reynaldo Quiling Sile, 33 anyos, construction worker at residente ng Brgy. Lipata, Surigao City at nakumpiska sa kanya ang isang (1) unit ng Caliber 45 Infinity Uno Titanium na may serial number na 022457 na may kasamang isang (1) magazine na kargado ng pitong (7) piraso ng live ammunition.
Sa ulat ng Surigao City PS, binisita ni Sile ang tindahan na pag-aari ni Jay Abilong Canpay, 46 anyos, construction worker at residente rin ng Sitio Panubigon Brgy. Lipata Surigao City. Hinahanap nito ang asawa ni Canpay na pinuno ng Purok sa lugar upang humingi ng paliwanag kung bakit hindi nito natanggap ang mga yero mula sa Philippine Red Cross. Biglang naglabas ng baril si Sile sa kanyang sling bag hanggang sa mapatahimik siya ni Canpay na nangako sa kanya na uuwi ang kanyang asawa.
Nang makahanap ng pagkakataon, kinuha ni Canpay ang sling bag ng suspek at pinigilan ito hanggang sa dumating ang mga rumespondeng pulis.
Sa karagdagang pagsisiyasat, si Sile ay nabigo na magpakita ng mga kaukulang dokumento na nagpapahintulot sa kanya na magdala ng naturang baril sa labas ng kanyang tirahan.
“This serves as a warning to those who will violate the implementation of gun ban that the PNP will hunt you down and will put you behind bars” sabi ni RD Caramat Jr.
Nasa kustodiya na ngayon ng Surigao CPS ang suspek para sa disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya.
####
Panulat ni: Patrolman Jhunel D Cadapan RPCADU13
Photo by: CARAGA PULIS PIO
Great Job thanks PNP