Friday, May 2, 2025

2 Indibidwal arestado sa buy-bust ng Makati Pulis

Arestado ang dalawang suspek makaraang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Makati City Police Station kung saan nakumpiska ang tinatayang Php340,000 halaga ng shabu nito lamang Miyerkules, Pebrero 14, 2024.

Kinilala ni Police Brigadier General Mark Pespes, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Eboy,” 51 taong gulang at alyas “Ekang,” 23 taong gulang.

Nanguna sa operasyon ang Makati City Police Station Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek sa isang hotel sa kahabaan ng P. Victor Street, Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City bandang 3:41 ng madaling araw.

Matagumpay na nasamsam ng mga operatiba ang 53 gramo ng hinihinalang shabu na nasa anim na heat-sealed transparent plastic sachet at isang knot-tied transparent plastic at tinatayang may street value na Php360,400.

Bukod sa pagkakasamsam sa droga, narekober din ng mga awtoridad ang Php1,000 na buy-bust money, isang itim na pouch, at dalawang touchscreen na cellphone (isang itim na Vivo at isang sky blue na Realme).

Ayon sa imbestigasyon, dati nang nasangkot sina Eboy at Ekang sa mga aktibidad ng ilegal na droga kung saan nahaharap si alyas Eboy sa mga paglabag sa Seksyon 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 noong Nobyembre 16, 2021, at Nobyembre 14, 2018, kasama ang paglabag sa Seksyon 11, Article II ng Republic Act 9165 noong Agosto 28, 2017. Samantala, sasampahan naman si Ekang dahil sa paglabag sa Seksyon 11, Article II ng RA 9165 noong Agosto 22, 2019.

Ang Makati City Police ay nananatiling matatag sa kanilang pangako sa pagsugpo sa paglaganap ng ilegal na droga at pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko sa loob ng komunidad. Ito din ay isa sa minimithi ng ating gobyerno sa pamamagitan ng pagpigil sa mga ilegal na aktibidad sa bansa.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles