Taguig City (January 29, 2022) – Matagumpay na nagsagawa ng community outreach program sa mga komunidad ng Lower Bicutan, Taguig City noong Enero 29, 2022.
Sa pamumuno ni NCRPO Director, Police Major General Vicente Danao, Jr. sa pamamagitan ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) ay naipamahagi ang mga mahahalagang suplay tulad ng mga pagkain, health kits, kalendaryo ng Serbisyong TAMA at tsinelas para sa mga bata.
Ang inisyatiba na ito ay naglalayong makatulong na maibsan ang hirap na dinaranas ng mga pinaka-apektadong sektor ng lipunan dahil sa krisis sa kalusugan na dulot ng pandemya.
Nagpapasalamat ang Team NCRPO sa mga stakeholders na patuloy na tumutulong na mapanatili ang mga community outreach program na katulad nito. Hindi ito mangyayari kung wala ang kanilang suporta at pakikipagtulungan.
Ang mga outreaches ay naisagawa sa tulong ni Police Lieutenant Colonel Diana Dela Rosario, Asst Chief, RCADD; Police Lieutenant Jenery Somaden, Chief, Public Information Section (PIS), RCADD under Police Colonel Gerson Bisayas, Officer-in-Charge, RCADD at Police Lieutenant Jenny DC Tecson, OIC, District Community Affairs and Development Division, South Police District/ Regional Public Information Office (DCADD, SPD/RPIO)
Samantala, nagpapasalamat din ang mga mamamayan ng nasabing barangay sa patuloy na pagsasagawa ng ating mga kapulisan ng programang nakakatulong sa kanilang pamumuhay.
#####
Panulat ni Patrolwoman Nica V Segaya, RPCADU NCR
Tunay n malasakit saludo tyo sa mga kapulisan