Arestado ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa Provincial Level dahil sa nakabinbing kaso nito na Robbery with Homicide sa Anonas Road, Barangay East Kamias, Quezon City nito lamang Huwebes, Pebrero 8, 2024.
Kinilala ni National Capital Region Police Office Chief Police Major General Jose Melencio C Nartatez Jr, ang nadakip na akusado na si Jemuel, 27 taong gulang, binata, walang trabaho, at tubong Montalban, Rizal.
Ayon sa ulat, nag-ugat ang operasyon sa Intelligence Unit kung saan sanib pwersa ang mga operatiba ng Anonas Police Station, Quezon City Police District, Libagao Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit 6, at Regional Intelligence Unit-NCR Quezon City Criminal Investigation and Detection Team upang mahuli ang suspek.
Pinuri ni PMGen Nartatez ang koordinasyon sa pagitan ng mga yunit dahil sa kanilang pursigidong pagkakadakip sa suspek, aniya, “Kami ay hindi natitinag sa aming pangako upang matiyak na ang mga akusado ay hindi makakahanap ng kanlungan saan man sa bansa.
Source: RPIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos