Tinatayang nasa Php408,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation na isinagawa ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 10 sa Barra, Barangay Macabalan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-8 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Ricardo G Layug Jr., Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina alyas “Badong”, 42 at “Rene”, 32, kapwa residente ng Barra, Barangay Macabalan, Cagayan de Oro City.
Kaugnay dito, ang isa sa mga suspek ay patuloy na binabantayan ng mga operatiba dahil siya ay kinilala at nakalista bilang Top 3 sa Regional Level.
Kabilang sa narekober mula sa mga suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na may timbang na humigit kumulang 60 gramo at tinatayang may standard drug price na Php408,000.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang dedikasyon at pagsisikap ng mga operatiba ay isang patunay na ang Pambansang Pulisya ay nananatiling matatag sa kanilang dedikasyon na tiyakin ang kaligtasan at kapayapaan ng kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng pagsugpo sa ilegal na droga.
Panulat ni Pat Jovelyn J Dodoso