Pinangunahan ng mga pulis makakalikasan ng Bataan 2nd Provincial Mobile Force Company ang isinagawang Tree Planting Activity sa Sitio Tubog, Barangay Alion, Mariveles, Bataan nito lamang Linggo, ika-10 ng Pebrero 2024.

Kasama nila sa naturang aktibidad ang mga miyembro ng Mariveles Battalion Foot Club (MBFC) sa nasabing lugar kung saan nakapagtanim ang grupo ng limang daang puno.

Layunin nitong bigyan ng diwa ang pagmamalasakit sa kalikasan alinsunod sa isa sa PNP Core Values na “Makakalikasan.”
Hinihikayat naman ng Pambansang Pulisya ang komunidad na patuloy na makiisa at makilahok sa mga programang pangkalikasan upang mapanatili, mapangalagaan at maprotektahan ang kagandahan at kasaganahan ng likas na yaman.
Panulat ni Maria Ella Garcia