Timbog ang isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Brgy. Roxas, Basey, Samar nito lamang ika-5 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Captain Fernando G Calabria Jr, Hepe ng Basey Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Pedro”, 32 anyos, walang trabaho at residente ng Basey, Samar.
Ayon kay PCpt Calabria Jr, bandang 8:20 ng gabi nang maaresto ang akusado sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Basey Municipal Police Station – Station Drug Enforcement Team (Lead Unit) kasama ang PDEA Samar Provincial Office.
Nakumpiska sa suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 2.93 gramo na nagkakahalaga ng Php19,380 at 500-peso bill na buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.
Panulat ni Pat Christine Reyna T Tolledo