Cavite ā Tinatayang Php170,000 halaga ng shabu ang nasabat sa nahuling suspek sa ikinasang buy-bust operation ng DasmariƱas Component City Police Station sa Barangay H-2, DasmariƱas City, Cavite nito lamang Martes, Pebrero 06, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Eleuterio M Ricardo Jr, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, ang suspek na si alyas āJanjanā, residente ng Barangay H-2, DasmariƱas City, Cavite.
Nakuha mula sa suspek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 25 gramo na nagkakahalaga ng Php170,000 at isang pirasong Php500.00 bill bilang boodle money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
āMagtulong-tulong tayo at magpatuloy sa ating mas pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad sa ating lalawigan,ā pahayag ni PCol Ricardo Jr sa matagumpay na operasyon ng DasmariƱas Component City Police Station.
Source: Cavite Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica Teng