Laguna – Tinatayang nasa Php3,795,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong High Value Individual (HVI) sa isinagawang joint buy-bust operation ng Laguna PNP nito lamang Linggo, Pebrero 4, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Regional Director ng Police Regional Office CALABARZON, ang tatlong suspek na sina alyas “Sigfred”, 47; alyas “Jim”, 50; at alyas “Cynthia”, 20; pawang mga residente ng Magano Street, Barangay Maytalang, Lumban, Laguna at nakalista bilang High Value Individual.
Naaresto ang tatlong suspek dakong 3:30 ng umaga sa Magano Street, Barangay Maytalang, Lumban, Laguna sa isinagawang joint buy-bust operation ng Laguna Provincial Drug Enforcement Unit at Special Operation Unit ng Provincial Regional Office 4A katuwang ang mga tauhan ng Regional Highway Patrol Unit 4A at Lumban Municipal Police Station.
Nasamsam sa mga suspek ang anim na piraso ng medium size knot tied transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 550 gramo na nagkakahalaga ng Php3,795,000, isang motorcycle, dalawang Identification Cards, isang ATM Landbank, isang unit ng cellphone, isang itim na pitaka at 10 pirasong ng Php1,000 bill bilang boodle money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri at pinasalamatan muli ni PBGen Lucas ang mga tauhan ng Laguna PNP sa pagpaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, paghuli sa mga nagbebenta at pagsigurado sa kaligtasan at seguridad ng komunidad.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica Teng