Thursday, May 1, 2025

Binatilyo na suspek sa pagnanakaw, arestado sa Oplan Galugad ng Pasay PNP

Arestado ang isang binatilyo sa isinagawang Oplan Galugad ng Pasay City Police Station makaraang masangkot sa isang robbery hold-up nito lamang Linggo, Pebrero 4, 2024.

Ang suspek ay kinilala na si alyas “Romie,” 19 anyos.

Batay sa ulat, naganap bandang alas-8:15 ng umaga ang Oplan Galugad/Mobile patrolling ng mga tauhan ng Sub-station 10, Pasay CPS, sa kahabaan ng Macapagal Avenue, Barangay 76, Zone 10, Pasay City kung saan isang concerned citizen ang nagsumbong sa nangyaring insidente. Nagkaroon ng maikling habulan na nauwi sa mabilis na pagkakahuli sa suspek.

Nakumpiska ang isang Caliber .38 revolver na may Serial Number 773488 at anim (6) na live ammunition, isang itim na sling bag na hawak ng suspek na naglalaman ng isang itim na wallet na may iba’t ibang ID at Php1,100 na cash.

Ibinunyag din ng suspek na siya at ang isang kasabwat nito na si alyas “Jamil,” ang responsable sa nangyaring pagnanakaw sa isa pang biktima.

Ang karagdagang imbestigasyon ay humantong sa positibong pagkakakilanlan ng biktima sa naarestong suspek na siyang nagnakaw sa kanyang baril. Habang ang mga pera, isang iPhone na nagkakahalaga ng Php30,000 ay nanatiling hindi na marekober.

Kasalukuyang nagsasagawa ng mga pagsisikap ang kapulisan ng Pasay upang madakip si alyas “Jamil.”

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions Regulation Act) at sa kasong robbery (hold-up).

Tiniyak din ng Pasay City Police sa publiko na ang lahat ng kinakailangang aksyon ay kanilang gagawin upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng komunidad.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles