Nakiisa ang mga tauhan ng Bataan 1st Provincal Mobile Force Company sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Bacong, Hermosa, Bataan nito lamang Miyerkules, ika-4 ng Pebrero 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Brownaon Ollaging, Force Commander, Bataan 1st Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga residente ng nasabing barangay.
Nagtulungan ang bawat indibidwal at nagtanim ng mga punong-kahoy na naglalayong bigyang diwa ang pagmamalasakit sa kalikasan alinsunod sa PNP Core Value na “Makakalikasan”.

Hinihikayat ng PNP ang komunidad na patuloy na makiisa at makilahok sa mga programang pangkalikasan upang mapanatili, mapangalagaan at proteksyunan ang kagandahan at kasaganahan ng ating likas na yaman.