Arestado ang tatlong lalaki na nagpakilalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pangingikil ng isang negosyante sa Lantapan, Bukidnon nito lamang ika-3 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Captain Danrick Jonne Ranile, Company Commander ng 1004th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10, ang suspek na sina alyas “Daniel”, binata; alyas “Ronnie”, at alyas “Rex”, may asawa at residente ng San Fernando, Bukidnon.
Ang mga suspek ay inaresto bandang 4:30 ng hapon ng pinagsanib pwersa ng 1004th Maneuver Company, 1st Special Forces Company at Lantapan Municipal Police Station.
Nakuha mula sa mga suspek ang pera na nagkakahalaga ng Php5,000, 10 manok, isang unit na motorsiklo na walang plate number at dalawang cellphone.
Ang pagkakahuli ng tatlong suspek ay bunga ng agarang aksyon ng Bukidnon PNP upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa probinsya ng Bukidnon.
Panulat ni Patrolwoman Jovelyn J Dodoso